MANILA, Philippines - Hindi pa nagsisimula ang SEA Games sa Myanmar pero tila naghahanap na ng masisisi ang mga sports officials ng bansa.
Sinabi ni Wushu FedeÂration Philippines (WFP) president at POC treasurer Julian Camacho na ang mga National Sports AssoÂciation ang dapat na magbayad sakaling hindi maganda ang ipakita ng ipadadalang delegasyon sa Myanmar sa Disyembre.
Ang mga NSAs ang siÂyang naghahanda ng kanilang mga atleta at sila ang nakakaalam kung bakit hindi nila makayang makapaghatid ng ginto sa malalaking kompetisyon na sinasalihan.
“Why should we blame Myanmar when our NSAs should be blaming themselves?†wika ni Camacho.
Naunang binatikos ni POC president Jose Cojuangco Jr. ang Myanmar dahil sa pagkakaalis ng mga sports na malakas ang Pilipinas at ang pagpasok ng mga sports na malakas ang host team.
Pero ang Pilipinas lamang ang nag-iingay at naunang nanakot pa na hindi sasali dahil sa ginawa ng Myanmar.
May paliwanag naman si Camacho sa kung bakit hindi umaani ng suporta ang POC.
“It’s because they all have a steady source of gold medals. They are not too worried about Myanmar because they know where to get their gold’s,†paliwanag ni Camacho.
Tinuran niya ang athletics at swimming may pinakamaraming gintong pinaglalabanan na dapat na mag-produce para umangat ang Pilipinas sa medal race.
“If you look at the medal standings in the 2011 SEA Games, you will see how we all fared. Why is it that in athletics, which offered 46 gold’s, we only won two (2-9-5), or in swimming, with 38 gold’s at stake, we didn’t win any (0-2-5 ). The NSAs should blame themselves,†banat ni Camacho.