Inilusot ang Warriors sa panalo: Olivares humataw
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2 p.m. UP vs Ateneo
4 p.m. UST vs FEU
MANILA, Philippines - Ibinuhos ni Ralf Olivares ang anim sa kanyang walong puntos sa huling 46.8 segundo para makumpleto ng UE ang pagbangon mula sa 10 puntos pagkakalubog (58-68) tungo sa 85-83 come-from-behind panalo sa La Salle sa unang laro.
Si Roi Sumang ay mayroong 21 puntos at ang kanyang tres at dalawang free throws ang nagpatabla sa laro sa huling pagkakataon sa 73-all.
Inatake siya ng cramps pero hindi naapektuhan ang laro ng tropa ni coach David “Boysie†Zamar dahil sa husay ni Olivares na naglatag ng limang sunod na puntos para tabunan ang 77-81 iskor at ibigay na sa UE ang kalamangan sa laro sa 82-81.
“Good sign ang pagkakaroon namin ng tatlong panalo. Olivares also showed that he has the heart,†wika ni Zamar na nalasap ang kauna-unahang back-to-back wins sa season at maitabla ang karta sa 3-3.
Ikalawang sunod na pagkatalo ito ng La Salle para sa 2-3 baraha at naulit ang nangyari sa laro laban sa FEU nang yumukod sila kahit nakalayo ng double-digits sa huling yugto.
Si Almond Vosotros ay mayroong career-high na 26 puntos, tampok ang apat na tres, sa 29 minutong paglalaro pero ang lider na si Jeron Teng ay gumawa lamang sa first half sa13 puntos bago nabokya sa huling 20 minuto ng tagisan.
Si Charles Mammie ay nanaig sa ilalim laban sa 6’8 La Salle center na si Arnold Van Opstal sa kanyang 19 puntos at 16 rebounds habang si Chris Javier ay may 16 puntos para sa nanalong koponan.
Samantala, pinaningas uli ni Jericho Cruz ang tila nanlalamig na opensa para ibigay sa Adamson ang ikatlong panalo sa 68-66 pananaig sa National University sa ikalawang laro.
Dalawa lamang sa 18 puntos ni Cruz sa laro ang hindi ginawa sa second half at apat rito ay kanyang ibinuhos sa mahalagang 8-0 bomba upang mahawakan ang 68-63 kalamangan matapos maghabol ng tatlong puntos sa Bulldogs.
Nakahirit ng 3-point play si Bobby Parks Jr. bago sumablay sa dalawang free throws si Roider Cabrera para magkaroon pa ang NU ng tsansa na maitabla ang laro sa huling 14 segundo.
Pero hindi nalibre sina Parks at Emmanuel Mbe kaya’t si Robin Rono, na bumanat ng tres sa kaagahan ng huling yugto, ang nagtangka sa 3-point line na sumablay at ang rebound ay nakuha ni Don Trollano para selyuhan ang panalo ng Adamson. (ATan)
UE 85 - Sumang 21, MamÂmie 19, Javier 16, Alberto 9, Olivares 8, Noble 8, Santos 4, Sumido 0, Hernandez 0, Flores 0, Casajeros 0.
DLSU 83 - Vosotros 26, Teng 13, N. Torres 9, T. Torres 9, Van Opstal 8, Dela Paz 8, Salem 6, Perkins 4, Revilla 0.
Quarterscores: 18-18, 39-43, 58-64, 85-83.
AdU 68 - Cruz 18, Cabrera 12, Trollano 7, Sewa 6, Petilos 5, Rios 4, Monteclaro 4, Brondial 4, Agustin 4, Julkipli 2, Inigo 2, Ochea 0.
NU 66 - Mbe 17, Parks 15, Javillonar 10, Roño 6, Perez 5, Villamor 4, Alolino 4, Javelona 3, Porter 2, Alejandro 0.
Quarterscores: 17-15, 32-28, 48-48, 68-66.
- Latest