Ipinagpag ang Pirates: Wala pa ring dungis ang Knights

Laro Bukas

(The Arena,m San Juan)

4 p.m. SSC vs EAC

6 p.m. Perpetual vs Mapua

 

MANILA, Philippines - Ipinoste ng Knights ang kanilang pang limang sunod na panalo para patuloy na pangunahan ang first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament.

Tinalo ng Letran College ang Lyceum, 61-53, tampok ang 19 points, 17 rebounds at 3 shotblocks ni 6-foo-7 Raymond Almazan kagabi sa The Arena sa San Juan.

Nagdagdag naman si rookie Rey Nambatac ng 14 markers para sa ta­gumpay ng Intarmuros-based cagers.

“Turnover namin were too high. We’re lucky they were not able to hit their free throws,” sabi ni rookie coach Caloy Garcia. “We’re lucky we were able to start the third quarter well. Doon na namin na-limit ‘yung Lyceum.”

Itinaas ng Letran ang ang kanilang record sa 5-0 kasunod ang three-time champions San Beda College(4-1), University of Perpetual Help System Dalta (4-1), Jose Rizal University (3-2), San Sebastian (3-2), Lyceum (2-3), Arellano (2-3), Mapua (1-4), Emilio Aguinaldo College (1-4) at St. Benilde (0-5).

Kinuha ng Knights ang isang 12-point lead sa third period hanggang makalapit ang Pirates sa 52-55 agwat mula sa jumper ni Mark Anthony Francisco sa 1:45 ng fourth quarter.

Nagtuwang naman sina Almazan, pinsan ni PBA player Kerby Raymundo ng Barangay Ginebra, at Nambatac para muling ilayo ang Letran patungo sa kanilang panalo at hindi na nilingon ang Lyceum.

Nauna nang kinuha ng Pirates ang first half, 32-31, kasunod ang 14-3 atake ng Knights upang ilista ang isang 46-34 bentahe sa third period.

Pinangunahan ni Issah Mbomiko ang Lyceum mula sa kanyang 15 points.

Letran 61 -- Almazan 19, Nambatac 14, Racal 7, Cruz 7, Gabawan 6, Po 3, Buenaflor 3, Ruaya 2, Dysam 0, Luib 0, Belorio 0, Publico 0.

Lyceum 53 -- Mbomiko 15, Azores 11, Francisco 9, Ko 5, Ambohot 4, Zamora 4, Garcia 2, Taladua 2, Baltazar 1, Mendoza 0, Lacastesantos 0, Alanes 0.

Quarterscores: 12-13; 31-32; 49-40; 61-53.

Show comments