MANILA, Philippines - Mabibigyan ng pagkaÂkataon ang mga public servants na maipakita ang kanilang angking galing sa paglalaro ng basketball bukod sa pagtulong sa kanilang paboritong charitable institution.
Ito ay mangyayari sa pagbubukas ng 1st UNTV Cup sa Hulyo 29 sa Araneta Coliseum at pitong ahensya ng pamahalaan at mga institusyon ang magpapanagupa para makuha ang titulo at ang tumataginÂting na P1 milyong premyo.
“Ginawa namin itong liga na ito para magkaroon ng pagkakataon ang mga public servants na magkaroon ng kasiyahan sa paglalaro ng basketball at mabigyan sila ng pagkakataon na tulungan ang paboritong charitable institution sa premyong mapapanalunan. Ito ay kauna-unahan pero balak namin na gawin ito taun-taon,†wika ni Daniel Razon, CEO at Chairman ng Breakthrough and Milestones Productios International (BMPI) Inc. na siyang magpapatakbo ng palaro.
Si Razon ay humarap sa kinatawan ng pitong maglalabang koponan sa MOA signing na ginawa sa Dolce latte’ sa Quezon Avenue, Quezon City kahapon.
Ang mga koponan at kinatawan na dumalo ay sina Col. Agane Adriatico ng AFP, Reynaldo Agoncillo ng PNP, Joseph Cabanting ng Judiciary, Isagani Obispo Jr ng Department of Justice, Mario Matanguhan ng PhilHealth, USEC GM Corazon Jimenez ng MMDA at dating PBA player Gerry Esplana ng Congress/Local Government Unit (LGU).
Si Gerry Panghulan, VP for Operation BMPI/UNTV, ang mamamahala sa liga habang si dating PBA star at ngayon ay Mapua coach Fortunato “Atoy†Co ang tatayong commissioner at si Ed Cordero ang assistant commissioner.
Makakasama ng mga public servants ang mga dating PBA players at mga movie celebrities sa mga koponan.