Kampeon sa SEABA U-16 Tourney: Team Phl may tiket na sa FIBA-Asia sa Iran

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Pilipinas ang pagwalis sa SEABA  Under-16 championships nang kunin ang 84-44 panalo laban sa Singapore noong Huwebes ng gabi sa Indonesia.

Naipanalo ng Nationals ang lahat ng apat nilang laro kasama na ang pag­lampaso sa Singapore upang makuha ang tiket patungo sa FIBA-Asia Under-16 championships sa Tehran, Iran.

Si Jose Lorenzo Mendoza ang hinirang na MVP.

Sa first period pa lamang ay natiyak na ng youth cagers ni coach Jamike Jarin ang panalo matapos iposte ang 33-12 kalamangan sa second quarter.

Tinalo ng Filipinos ang Indonesia, 87-52, sa kanilang unang laban no­ong Lunes at itinakas ang isang 76-72 tagumpay laban sa Malaysia.

Umiskor naman ang Under-16 cagers ng isang 82-58 panalo kontra sa Thailand.

Show comments