^

PSN Palaro

Reyes masaya kahit talo ang Gilas sa Tall Blacks

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May ngiti sa labi ni Gilas National coach Chot Reyes kahit lumasap ng 76-77 pagkatalo ang koponan sa Tall Blacks sa pagtatapos ng anim na tune-up games sa New Zealand kahapon.

Nakipagsabayan sa banggaan ang Natio­nals na siyang ikinatuwa ni Reyes dahil kailangan nila ang ganitong istilo kapag sinimulan na ang kampan­ya sa FIBA-Asia Men’s Championships sa Agosto 1.

“Lost to NZ national team, 76-77. Tall Blacks have only been practicing for 3 days &  missing a couple guys. But we played well esp Marcus Douthit,” ani Reyes sa kanyang Twitter.

Ang 6’10 naturalized center na si Douthit ay na­pahinga sa huling dalawang laro dahil sa pana­nakit ng likod.

Pisikal ang tagisan ng dalawang national teams at may mga manlalarong naputukan pa sa New Zealand na tila senyales na hindi na natatakot ang pambansang manlalaro na banggain ang kalaban.

“More importantly, we played physical --2 of their guys bloodied, 1 limped off, all accidental of course,” dagdag ni Reyes.

Nagkaroon ng 3-3 record ang Gilas sa kanilang mga practice games at ang mga tinalo nila ay ang Hawke Bay Hawks, 82-78 at 73-70, at ang Super City Rangers na kanilang inilampaso, 95-77, habang sa dikitang 85-86 yumukod ang nationals sa NBL All Stars at 96-100 sa Wellington Saints.

Bukod sa tune-up ga­mes ay nagkaroon din ng pagkakataon ang koponan na makinig at maturuan ng batikang coach Tab Baldwin.

Balik-Pilipinas na ang delegasyon at dito na isasa­gawa ang huling parte ng preparasyon na sinasandalan para sa matagumpay na kampanya sa FIBA Asia na lalaruin hanggang Agosto 11 sa Mall of Asia Arena sa Ninoy Aquino Stadium.

Huling tune-up games ng Gilas ay laban sa PBA All Stars sa Hulyo 24 sa Mall of Asia Arena at Kazakhstan sa Hulyo 26 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang dating  kasapi ng Soviet Republic ay darating ng maaga para masanay sa klima.

Hanap ng Gilas na tu­ma­pos sa unang tatlong puwesto sa FIBA-Asia event para makakuha ng ticket sa FIBA World Cup sa Madrid, Spain sa susunod na taon.

 

AGOSTO

ALL STARS

ASIA MEN

CHOT REYES

MALL OF ASIA ARENA

NEW ZEALAND

REYES

SHY

TALL BLACKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with