^

PSN Palaro

Patutunayang kaya pang manalo sa mga laban: Pacquiao kay Mayweather: ‘Di pa ako laos!’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nakatiis si Manny Pacquiao kaugnay sa huling pang-aasar sa kanya ni Floyd Mayweather, Jr.

Sa panayam ng Dateline Philippines ng ANC, sinabi ni Pacquiao na hanggang salita lamang ang kayang gawin ni Mayweather.

“Sa atin, nayayabangan tayo. Eh puro salita lang siya no? Bakit puro na lang siya salita, ayaw niyang sabihin na ‘let’s fight,’” wika ng Filipino world eight-division champion sa American five-division titlist.

Sa isang panayam, sinabi ng 36-anyos na si Mayweather na laos na ang 34-anyos na si Pacquiao kaya ayaw na niya itong labanan.

Dalawang beses natalo si Pacquiao noong nakaraang taon laban kina Timothy Bradley, Jr. via split decision noong Hunyo 9 at kay Juan Manuel Marquez mula sa isang sixth-round KO noong Disyembre 8 sa kanilang ikaapat na pagtatagpo.

“Hindi pa ako laos, kaya ko pang magpanalo ng mga laban,” ani Pacquiao. “Ang pagkatalo ko ay na-tsambahan lang tayo. Hindi naman ‘yung binugbog tayo... na-lucky punch lang tayo, which is part of the game.”

Tatlong beses bumagsak ang negosasyon ng mga kampo nina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Mayweather (44-0-0, 26 KOs) dahil sa isyu sa prize money at pagsailalim sa random-style Olympic drug testing.

Ang huling pag-uusap ng 34-anyos na si Pacquiao at ng 36-anyos na si  Mayweather ay nangyari noong Peb­rero ng 2012 nang hindi pumayag si ‘Pacman’ sa hatiang 40-60 sa premyo.

vuukle comment

BAKIT

DALAWANG

DATELINE PHILIPPINES

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

MAYWEATHER

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with