China, Iran paborito sa titulo sa FIBA-Asia
MANILA, Philippines - Bagamat may mga ipaÂparadang naturalized plaÂyers ang ibang koponan, nanatili pa ring bigatin ang China at Iran, ang huling dalawang nagkampeon sa FIBA-Asia Men’s ChamÂpionships.
At ang darating na 27th edition ng nasabing Asian meet sa Agosto 1-11 sa Manila ang posibleng maÂging lugar ng pagkikita ng Chinese at Iranians para sa korona.
Ang China ang naghari sa nakaraang FIBA-Asia Men’s Championships sa Wuhan, China noong 2011.
Sa 1999 edisyon na idinaos sa Tianjin, China, tinalo ng Iranians ang Chinese, 70-52, para angkinin ang korona ng torneong kanilang pinagharian sa Tokushima, Japan noong 1997.
Sa Wuhan, pinigilan ng Jordan ang inaasahang banggaan ng China at Iran para sa titulo matapos taluÂnin ng Jordanians ang IraÂnians sa quarterfinals.
Kinuha ng China ang korona, habang nagkampeon naman ang Iran sa FIBA-Asia Cup sa Tokyo at ang katatapos na Jones Cup sa Taipei.
Magkasama ang China at Iran sa grupo sa preliminary round bukod pa sa South Korea at Malaysia.
Inaasahang magpapakita ng lakas ang China matapos ang nakadidismayang kampanya sa 2012 London Games kung saan sinibak ng Chinese basketball federation si American coach Bob Donewald.
Si Greek mentor PaÂnagiotis Giannakis ang ipinalit kay Donewald.
Sa paggiya ni Giannakis, pumangalawa ang China sa Argentina sa Stankovic Continental Cup.
NagdoÂmina din ang ChiÂnese, binanderahan ni ace center Yi Jianlian, ang kanilang mga tune-up games kontra sa Australia at Ukraine.
Seryoso naman ang Iran sa kanilang paghahanda sa ilalim ni Serbian coach Memi Becirovic.
Ipinakita ito ng Iranians nang walisin at pagharian ang 2013 Jones Cup.
- Latest