Laro Ngayon
(Rizal Memorial Baseball Stadium)
8:30 a.m. Chinese Taipei
vs Korea (Aspac title)
11:00 a.m. Indonesia
vs RP (SEA title)
MANILA, Philippines - Inilabas ng defending world champion Chinese Taipei ang kanilang tunay na laro laban sa Pilipinas tungo sa 15-0 shutout panalo sa PONY League Asia-Pacific Regional Qualifiers semifinals kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Sa unang dalawang innings lamang nakasabay ang Philippine Habagat bago ipinamalas ng bisitang koponan ang bangis sa pagpalo sa third inning na kung saan gumawa sila ng walo sa 18 hits sa laro para lumayo na.
Sina Lee Sheng Chieh at Choe Wei ay naka-triple habang two-baggers ang ginawa nina Chang Heng at Kuw Wen Yi sa nasabing inning para kunin ang 11-0 bentahe.
“Chinese Taipei is the best in the world in this caÂtegory. But 15-0 is not that bad because two years ago, we were 12-0 after the first inning. At least ngayon, na-hold natin sa first two inning sa tig-two runs,†wika ni coach Mike Ochosa na naungusan ng Japan, 2-4, para malagay sa ikalawang puwesto sa Group elimination.
Tinalo ng Korea ang Japan, 11-5, para siyang makakuha ng karapatan na lumaban sa Finals at ang mananalo ang aabante sa World Series sa Los Alamitos, California mula Agosto 1 hanggang 4.
Ang magiging konsolasÂyon ng host team sa apat na araw na torneo na may ayuda ng McDonalds, Purefoods Tender Juicy Hotdog, Gatorade, Nutrilite, Country Style, Jamba Juice, Amway at Magnolia Purewater ay ang mapanatiling hawak ang South East Asian title sa pagharap sa Indonesia.