PBA tatanggap na ng aplikante para sa 2013 Rookie Draft

MANILA, Philippines - Mga bagong grupo ng rookies ang inaasahang lalahok sa 2013 PBA Draft sa Nobyembre.

Tatanggap na ang liga ng mga aplikanteng may edad 21-anyos para sa No­vember 3 event kung saan dapat naabot na ng isang player ang required age sa pagbubukas ng 2014 Sea­son sa huling linggo ng Nob­yembre.

Kung ang isang rookie hopeful ay mas bata ng 21-an­yos sa Nobyembre 17, kailangan pa siyang ma­kapasa sa requirement upang mapabilang sa huling Draft pool.

Dapat siyang nakatapos sa isang four-year college course.

Ang bagong eligibility requirements ay inaprubahan ng PBA Board of Governors noong Marso.

Sa nakaraang mga ta­on, ang mga college un­der-graduates ay dapat 23-anyos sa Draft day para maging eligible.

Ilan sa mga inaasahang sasali sa PBA Draft ay si PBA D-League center Greg Slaughter, PBA D-League at NCAA MVP Ian Sangalang at ang mga Ateneo frontli­ners na sina Nico Salva at Justin Chua.

Posible na ring lumahok sina RR Garcia, Ronald Pascual, Carlo Lastimosa at Jett Vidal.

Wala pang desisyon si two-time UAAP MVP Bobby Ray Parks kung aakyat na sa PBA.

Show comments