^

PSN Palaro

Titulo nakataya sa Rivas-Pagaduan fight

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Titulo sa Philippine minimumweight division ang isa sa tatlong tampok na laban na handog ng Shape-Up Boxing Promotions na gagawin sa Hulyo 27 sa Tres­ton College Gymnasium sa Taguig City.

Sina Carleans Rivas at Jesebelle Pagaduan ang siyang magtutuos sa titulo sa 105-pound division na inilagay sa 10-rounds.

Ang dating two-time world title challenger na si Bernabe Concepcion ay mapapalaban kay Richard Betos habang sina Daniel Ferreras at Eden Sonsona ay magtutuos din para ma­kumpleto ang mga main event sa paboksing na ito ni Anson Tiu Co.

Wala pang talo sa li­mang laban si Pagaduan at ito ang ikalawang pagtatangka niya para mahawakan ang titulo.

Lumaban ang 28-an­yos at tubong Benguet  na si Pagaduan kay Lady Love Sampiton noong Mayo 18 at nanalo siya sa majority decision.

Nakataya ang bakanteng minimumweight title pero hindi ito naibigay kay Pagaduan dahil pumasok siya sa laban lampas sa 105-weight limit.

“Pipilitin kong bumawi  ngayon at maiuwi na ang titulo,” ani Pagaduan nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan.

Si Rivas ay may 2 panalo at tatlong draw karta at papasok sa laban mula sa dalawang tablang laban.

Determinado siyang talunin si Pagaduan lalo pa’t may pangako ang promoter na si Co na biyahe patungong Japan o Korea sa mananalo.

Gagamitin ni Rivas ang kanyang height advantage dahil may taas siyang 5’5 laban kay Pagaduan na nasa 5-feet lamang.

May apat pang  six-rounders at dalawang four-rounders ang kukumpeto sa fight card na ito.

ANSON TIU CO

BERNABE CONCEPCION

COLLEGE GYMNASIUM

DANIEL FERRERAS

EDEN SONSONA

JESEBELLE PAGADUAN

LADY LOVE SAMPITON

PAGADUAN

RICHARD BETOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with