MANILA, Philippines - Tinalo ni Allan Pason si top seed Kyle Sevillano sa fifth round para bumuo ng isang three-way tie sa liderato sa boys’ juniors diÂvision, habang pinangunahan naman nina Glysen Derotas at Jazzelle Villarin ang girls side sa Shell National Youth Active Chess Championship Visayas leg sa SM City Cebu Event Center sa Cebu.
Binigo ng sixth seeded na si Pason sina Richard Caravana, Dwight Bentulan, Daniel Miñoza at Sherwin Amad sa unang apat na rounds para makatabla sina John Acedo at Felix BaÂlbona sa unahan mula sa magkatulad nilang 5.0 points sa 9-round Swiss system tournament.
Pinayukod ni Acedo ng Bukidnon State U sina Joseph Cabrera, John Sarabia, Alson Lim Jr., Yves Fiel at Godfrey Villamor.
Nauna rito, pinamunuan ni Ronald Pacio, ang Shell Road Safety manaÂger for Southeast Asia, at ni grand finals kiddies champion Kyle Sevillano ang ceremonial moves para simulan ang two-day event na siyang nagsisilbing third leg ng 21st staging ng five-leg series na inihahandog ng Pilipinas Shell.
Binigo naman ng top seeded na si Derotas sina Queenelyn Torres, Charina Butal, Joy Cabungcag at Mae Monsalud at pinayukod ng No. 4 na si Villarin ng USJ-R sina Frances Surposa, Roxanne Tampus, Veronica Bondoc at Hazel Sato para pangunahan ang seven-round girls juniors class kasama si Univ. of St. La Salle bet Adelaide Lim.