Postrado, Payong sa MILO Naga leg

MANILA, Philippines - Pinamahalaan nina Eugene Postrado at Gemma Payong ang 21-K division run ng 37th National MILO Marathon kahapon sa Naga City.

Kapwa sila tumanggap ng tig-P10,000.00 at tropeo, ngunit tanging si Postrado ang nakakuha ng tiket para sa National Finals sa Disyembre 8.

 Sa 6,601 runners na sumabak sa karera, 19 pang male runners ang nakapasok sa National Finals kung saan ang hihiranging MILO Marathon King at Queen ay makakasali sa Paris Marathon sa 2014.

 Nagtala ang 34-anyos na si Postrado ng oras na 1:16:08 para talunin sina Martin Balaybo (1:18:12) at Marino Jr. Lagyap (1:­18:36).

Noong nakaraang taon, tinanghal si Postrado bilang 2012 all-Filipino category winner ng 10-K Mayon Trail Run at second runner-up sa 21-K Xterra Trail Run.

 Walong taon nang tumatakbo si Postrado National MILO Marathon.

 Nagsumite naman ang 32-anyos na si Payong ng oras na 1:48:53 para ungusan sina Melissa Missy Hilario (1:55:43) at Ma. Jean Benito (2:05:53). Nabigo si Payong na makuha ang ti­ket para sa National Finals.

 

Show comments