^

PSN Palaro

Programang Laro’t Saya ng PSC suportado ng Malacañang

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalabas ang Malacañang ng Memorandum Circular No. 49 na nag-aatas sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan at mga Local Government Units na suportahan ang Laro’t Saya, Play and Learn na programa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Kinilala ng Palasyo ang buting idudulot ng programa sa mga Pilipino para magkaroon ng magandang pangangatawan ang mamamayan at maiiwas sa masamang bisyo ang kabataan kaya’t lubusan ang kanilang suporta na lumawig ang sakop nito.

“Now therefore, all government agencies and instrumentalities, including Government Owned or Controlled Corporations (GOCC’s), State Universities and Colleges (SUC’s) and Local Government Units (LGU’s) are hereby enjoined to extend support and assist PSC in the implementation of the “Laro’t Saya sa Parke” project. Further, the private sector is also encouraged to support the project,” wika ng memorandum.

Ang Quezon City ang ikalawang LGU matapos ang Manila na sumusuporta sa lingguhang programa na ito matapos idaos ang kauna-unahang edisyon sa Quezon Memorial Circle kahapon.

Apat na sports lamang ang idinaos-- aerobics, taek­wondo, football at arnis pero pumalo na sa 267 ang mga nakiisa sa aktibidades.

Pinasalamatan naman ni PSC Chairman Ricardo Garcia ang pagtulong ng Malacañang lalo pa’t layunin niyang maikalat ang programa sa Metro Manila bago matapos ang taon.

 

ANG QUEZON CITY

CHAIRMAN RICARDO GARCIA

CONTROLLED CORPORATIONS

GOVERNMENT OWNED

LARO

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MALACA

MEMORANDUM CIRCULAR NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with