Brooklyn kumpiyansa kina Garnett, Pierce

NEW YORK--Nakum­pleto na ang pagbuwag sa Boston Celtics.

At papunta na sina Paul Pierce at Kevin Garnett sa Brooklyn.

Naplantsa na ng Nets at ng Celtics ang kanilang draft-night trade na isang nine-player, three-draft pick swap na sumentro kina Pierce at Garnett, nagbigay sa Boston ng NBA crown noong 2008.

Kumpiyansa naman ang Nets para sa kanilang ikalawang season sa Brook­lyn kasama sina Pier­ce at Garnett..

“Today, the basketball gods smiled on the Nets,” wika ni Nets owner Mikhail Prokhorov sa isang statement.

Nakuha rin ng Nets sina Jason Terry at D.J. White mula sa Boston kasabay ng pagbibigay kina Gerald Wallace, Kris Humphries, MarShon Brooks, Kris Joseph, Keith Bogans at first-round draft picks sa 2014, 2016 at 2018 sa Celtics.

Nakuha rin ng Boston ang karapatang i-swap ang kanilang first-round picks sa 2017. Plano ng Nets na ipa­ki­lala ang kanilang mga bagong players sa Huwe­bes sa Barclays Center.

Nanalo ang Boston ng limang sunod na division titles mula 2008 hanggang 2012.

 

Show comments