MANILA, Philippines - Gumanda ang tsansa ng Gilas National team na makaabante sa semifinals sa gaganaping FIBA-Asia Men’s Championship sa Pilipinas matapos masuspindi ang Lebanon ng international body FIBA.
Pinatawan ng kaparusahan ang Lebanon dahil hindi naisaayos ang gusot sa hanay ng dalawang pangkat na naglalaban sa liderato matapos ang Biyernes na taning ng FIBA.
Ang Lebanon ay nakaÂsama sa Group B sa FIBA Asia meet mula Agosto 1 hanggang 11 at siyang inaasahang magiging mabigat na kalaban ng Pambansang koponan sa pagpasok sa second round.
Ang Iraq ang siyang ipiÂnalit sa Lebanon na mas magaan na kalaban.
Kailangang mapangunahan ng host team ang unang dalawang rounds sa elimination para magkaroon ng mahinang kalaban sa crossover quarterfinals na isang knockout format.
Nasa Group A ang Pilipinas kasama ang Chinese Taipei, Jordan at Saudi Arabia, habang ang Japan, Hong Kong at Qatar ang nasa Group B.
“Not too worried about Lebanon’s suspension coz we’re too focused on ourselves 1st. Iraq is a tall, tough team we know very little of,†wika ni National coach Chot Reyes sa kanyang tweeter.
Nasa New Zealand ang Gilas para sa camp at tune-up games at kahapon ay hiniritan nila ang Hawkes Bay Hawks ng 73-70 panalo.
Ito ang ikalawang pagkikita ng dalawang koponan at nanalo rin ang Gilas sa unang laro noong Biyernes sa 82-78 iskor.
“Struggled from the outside today but found a way to eke out a 73-70 W in a defensively intense game. Learning from the physical Kiwi,†dagdag ni Reyes sa tweeter.
Ang mga tinokahan ni Reyes para bigyan ng karaÂngalan ang bansa sa FIBA-Asia Championship ay sina Marcus Douthit, Japeth Aguilar, Junmar Fajardo, Mark Pringris, Ranidel De Ocampo, Gabe Norwood, Larry Fonacier, Jimmy Alapag, Jayson Castro, LA Tenorio, Jeff Chan at Gary David.