Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2 p.m. NU vs UP
4 p.m. Adamson vs Ateneo
MANILA, Philippines - Bumangon ang Far EasÂtern U mula sa 13 punÂtos pagkakalubog sa huling 2:36 sa regulation para taÂlunin ang La Salle sa overtime, 83-79, sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Si Terrence Romeo ay gumawa ng 25 puntos, 4 rebounds at 5 assists, pero mahalaga rin ang ipinakita nina RR Garcia, Mark Belo at Roger Pogoy upang maisulong ng Tamaraws ang malinis na karta sa 4-0.
Si Garcia ay nagtala ng 19 puntos pero 12 rito ang kanyang ginawa sa huling yugto at overtime habang si Mark Belo na gumawa ng 10 puntos at 13 rebounds, ang nagpatabla sa regulation sa 75-all sa under-the-basket shot.
May 9 puntos at 9 board si Pogoy at ang kanyang offensive rebound sa sablay ni Belo matapos ang lay-up ni Garcia mula sa magandang pasa ni Romeo ang nagtulak sa kalamangan ng FEU sa tatlo, 81-78, sa huling dalawang minuto ng extention.
“The win says a lot about the character of the team. Tinanong ko sila, anong gagawin natin, bibitaw na ba tayo? Ang maganda lumaban sila,†wika ni TamaÂraws first year coach Nash Racela.
Bumaba ang Archers sa 2-2 at hindi nila napangaÂlagaan ang malakas na paÂnimula sa fourth period na kung saan hinawakan nila ang 73-60 kalamangan sa ikalawang tres ni Luigi dela Paz.
Ininda ng koponan ni coach Juno Sauler ang maÂhinang free throws shooting ni Jeron Teng na kahit tumapos taglay ang 25 puntos at 15 boards ay may isang buslo lamang sa apat na attempts sa 15-foot line matapos lumayo sa tatlo ang Tams
Gumawa naman ng mga career games sina Karim Abdul, Aljon Mariano at Eduardo Daquioag para pawiin ng University of Santo Tomas ang di pagÂlaÂlaro ng lider na si Jeric Teng sa pamamagitan ng 88-77 pagdurog sa University of the East sa unang laro.
Tinabunan ni Abdul ang career high na 24 puntos nang gumawa siya ng 25 puntos bukod sa 13 rebounds habang si Mariano, na may 20 kabuuang puntos pa lamang ang naiskor sa season, ay may 24 puntos at 11 rebounds.
Si Daquioag ay may 19 para manatiling nasa ikalawang puwesto ang tropa ni coach Pido Jarencio sa standings sa 3-1 karta.