Rising Suns tuloy sa pananalasa

Laro Bukas

(Philsports Arena, Pasig City)

2 p.m. Petron vs PCSO-Bingo Milyonaryo

4 p.m. Cagayan Valley vs Cignal

6 p.m. PLDT-MyDSL vs TMS-Philippine Army

 

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Caga­yan Valley ang lakas sa net at ganda ng service para katampukan ang 25-16, 25-17, 27-29, 25-23, panalo sa PLDT My-DSL sa Philippine Super Liga kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Shiela Pineda at Joy Benito ay nagtambal sa 29 sa 50 kills na ginawa ng Lady Rising Suns habang si Sandra delos Santos ay mayroong anim na aces para sa 11-1 bentahe tungo sa ikatlong sunod na panalo sa anim na koponang liga.

Kinuha naman ng TMS-Philippine Army ang ikala­wang sunod na panalo matapos ang tatlong laro sa 25-19, 25-15, 25-19, straight sets panalo sa Petron sa ikalawang laro.

Tig-12 hits sina Joanne Buñag at Michelle Carolino para pamunuan ang Lady Troopers na nanatili sa ika­lawang puwesto habang itinulak ang Petron sa 1-2 karta.

“Nagpalit ako ng mga puwesto sa tao ko para ma­depensahan namin si (Angela) Benting. Hindi naman ako nagulat na 3-0 kami dahil madaling turuan itong mga players ko,” pahayag ni Cagayan Valley coach Nestor Pamilar na kinuha ang unang dalawang panalo sa five sets.

Muntik ngang nauwi sa 3-0 ang iskor matapos lumapit sa match point ang Lady Rising Suns sa third set, 24-23, sa error ni Benting.

Pero hindi nakumpleto ng koponan ang planong tapusin agad ang Speed Boosters na kinuha ang set, 29-27, sa block at down-the-line spike ni Pau Soriano.

Show comments