Protesta iniurong ng Altas, Knights didiretso sa 4

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

4 p.m. Lyceum vs Perpetual

6 p.m. Letran vs St. Benilde

 

MANILA, Philippines - Iniurong ng Perpetual Help ang kanilang protesta ukol sa isang tagpo sa 77-78 overtime loss nila sa San Sebastian College noong Lunes at sa halip ay nagsu­mite na lamang ng isang clarification letter.

Isinumite ni Perpetual Help Management Committee representative Moises Lozada ang naturang sulat sa NCAA Board at kaagad na ibinigay kay NCAA Commissioner Joe Lipa.

Inireklamo ng Altas ang kabiguan ng mga referees na bigyan si rookie Juneric Baloria ng dalawang free throws matapos siyang bigyan ng foul ni Jon Rebollos ng Stags sa second period kung saan nasa penalty na ang San Sebastian.

Nakatakdang labanan ng Perpetual ang Lyceum ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng nangungunang Letran College at College of St. Benilde sa alas-6 ng gabi sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Kinuha ng Knights ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos talunin ang Jose Rizal Heavy Bombers sa overtime, 69-66, habang nakalasap naman ang Bla­zers ng masaklap na 71-73 overtime loss sa Mandalu­yong-based cagers.

Kasalukuyang bitbit ng Letran ang liderato mula sa kanilang 3-0 karta.

 

Show comments