GTK, Gomez maghahanap ng mga Fil-Ams
MANILA, Philippines - Inimbitahan ni PSC ComÂÂmissioner Jolly Gomez si athletics president Go Teng Kok para tumuÂngo sa San Diego, CaliforÂnia at tingnan ang mga Fil-Americans na inirerekomenda ni American coach Ryan Flaherty na maisama sa delegasyong lalahok sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Ang imbitasyon ay ipiÂnaÂÂabot ni Gomez nang magÂpulong sila ni Go ukol sa posibleng pagpasok ng mga Fil-Ams para maÂpaÂlakas ang tsansa ng bansa na manalo ng ginto sa Myanmar SEA Games.
Sinabi ni Go na maayos natapos ang pagpupulong dahil naipaliwanag niya kay GoÂmez ang nais niyang mangyari sa mga Fil-Ams.
Ayon kay Go, ang mga Fil-Ams ay dapat munang pagÂpakita ng Philippine passport, at kung mayroÂon na ay dapat ipakita na karapat-dapat silang maÂpasama sa national team.
Aalis sina Go at Gomez sa patungong San Diego para makita ng personal ang mga inirerekomenda ni Flaherty, kinuha ng PSC paÂra pag-aralan kung paÂano mapapalakas ang kalidad ng atleta ng Philippine Amateur Track and Field Association.
Nagpasabi rin si LaherÂty ng pagnanais na mapasok siya bilang head coach sa PATAFA.
- Latest