Reyes nangingilag sa mga makakalaban sa FIBA-Asia

MANILA, Philippines - Aminado si Gilas Pilipi­nas coach Chot Reyes na mabigat ang kanilang mga makakalaban sa dara­ting na 27th FIBA-Asia Men’s Championships na naka­takda sa Agosto 1-11 at ida­raos sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aqui­no Stadium sa Manila.

Ito ay base na rin sa kan­yang mga napanood na laban sa Jones Cup at sa Stankovic Continental Cup.

Nangilag si Reyes sa mga koponan ng China, Iran, Korea at Chinese Tai­pei.

 â€œ(We’re) watching all d Jones & Stanko Cup games. China, Iran, Korea, Taipei look real sharp. We got our work cut out for us,” sabi ni Reyes sa kanyang Twitter account sa kanilang mahabang 22 oras na biya­he papunta sa Napier city sa New Zealand.

Giniba ng China ang Puerto Rico, Nigeria, Ger­ma­ny at Australia para tu­ma­pos na pangalawa sa nag­kampeong Argentina sa Stankovic Continental Cup sa Guangzhou, China.

 Sa Taipei, naglista ng mag­kahiwalay na panalo ang host team, South Korea at Iran para pamunuan ang Jones Cup.

Tinalo ng Taiwanese ang Jordanians, 91-61; hi­niya ng Koreans ang Lebanese, 61-52; at binugbog ng Iranians ang Egyptians, 90-54; at nanaig ang Team USA sa Taipei B, 101-69.

Show comments