Andersen mananatili sa Heat; Kirilenko ‘di tuloy sa Spurs

MIAMI --- Pumayag si Chris Andersen na pumirma sa isang one-year contract para manatili sa NBA champions na Miami Heat, ayon sa ulat ng Yahoo! Sports.

Ang 35-anyos na si Andersen ay maaaring tumanggap ng veteran’s mimimum salary mula sa $1,399,507 hanggang $3,183,000 sa susunod na season.

Napabilang ang tinaguriang ‘Birdman’ sa Heat sa naka­raang sea­son at nagtala ng mga averages na 4.9 points at 4.1 re­bounds sa 42 laro.

Samantala, nabigo naman ang San Antonio Spurs na makuha si free-agent forward Andrei Kirilenko sa pa­­mamagitan ng isang sign-and-trade agreement sa Min­nesota Timberwolves.

Naglatag ang Spurs ng isang multi-year offer para kay Ki­rilenko, ngunit hindi naman ito pinansin ni Minnesota ge­neral manager Flip Saunders.

Gusto sana ng San Antonio na mapalakas ang ka­ni­lang koponan para sa susunod na season kung ma­ku­kuha nila si Kirilenko, isang 6-foot-9 forward na kilalang sco­rer, passer at shot blocker.

Iniwanan ni Kirilenko ang tatanggapin pa sana niyang $10 milyon sa huling taon sa kanyang kontrata para sa Min­nesota.

Kasalukuyang naghahanap si Kirilenko ng koponang ma­kapagbibigay sa kanya ng mas malaki at mahabang kon­trata.

Nakipagkasundo naman ang Spurs kina free agents guard Marco Belinelli at forward-center Jeff Pendergraph.

 

Show comments