Tigers pakay ang 3-0 marka

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

2 p.m. UE vs Adamson

4 p.m. NU vs UST

MANILA, Philippines - Ang ikatlong sunod na tagumpay ang target ng Tigers, habang asam ng Red Warriors ang kanilang pa­nga­­lawang dikit na panalo.

Sasagupain ng University of Sto. Tomas ang Na­tio­nal University ngayong alas-4 ng hapon, habang la­labanan ng University of the East ang Adamson Uni­versity sa alas-2 sa first round ng 76th UAAP men’s bas­ketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mga unang tinalo ng Tigers ay ang La Salle Green Archers via overtime, 63-58, at ang Falcons, 67-62. 

Sa kanilang panalo laban sa Adamson, nagbida si­na Kevin Ferrer at Jeric Teng mula sa tinipang 17 at 15 points, ayon sa pagkaka­sunod.

 â€œAlam nila na Adamson ang isa sa mga contenders this season. Sabi ko sa ka­nila, hindi tayo puwedeng ma­­talo para at least maka-una na tayo sa first round,” sabi ni coach Pido Jarencio sa kanyang mga Tigers.

Kasalukuyang hawak ng Far Eastern University ang li­derato mula sa kanilang 3-0 baraha kasunod ang UST (2-0), La Salle (2-1), UE (1-1), NU (1-1), Adamson (1-1), five-time champions Ateneo De Manila University (0-3) at Uni­versity of the Philippines (0-3).

Kumpara sa Tigers, nagmula naman ang Bulldogs sa 66-71 kabiguan sa Red Warriors noong Hulyo 6.

Sa unang laro, hangad naman ng UE na maduplika ang kanilang panalo sa NU sa pagsagupa sa Adamson.

Sa naturang tagumpay kon­tra sa Bulldogs, naging bayani si guard Roi Sumang nang umiskor ng isang four-point play kontra kay Bobby Ray Parks, Jr.

Tumapos ang 22-anyos na si Sumang na may 19 mar­kers para sa Red Warriors, nauna nang natalo sa Ta­maraws, 78-89, noong Hun­yo 29.

 â€œIt’s always hard to win the first game,” sabi ni mentor Boysie Zamar sa unang panalo ng UE.

Show comments