Posibleng makalaban ng Gilas sa quarterfinals ng FIBA-Asia meet: Koreans nananalasa sa Jones Cup

MANILA, Philippines - Patuloy ang ginagawang pananalasa ng South Ko­rea, posibleng makaharap ng Gilas Pilipinas sa quarterfinal round ng da­rating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships, sa 2013 Jones Cup sa Tai­wan.

Ito ay matapos talunin ng South Korea ang isang US selection, 85-79, noong Lu­nes para sa kanilang pa­ngatlong dikit na panalo sa torneo.

Bumandera para sa ta­gumpay ng South Korea si­na Lee Seung-jun, Kim Sun-hyung at Cho Sung-min.

Nauna nang tinalo ng mga Koreans ang Egypt at ang Taipei-B.

Nakatakdang labanan ka­gabi ng Korea, ang third pla­cer sa pinakahuling Asian meet sa Wuhan, Chi­na, ang Lebanon. 

Ang Jones Cup ang ginagamit ng South Korea bilang paghahanda sa FIBA-Asia Men’s Championships  bukod pa sa pagsubok kina Lee (dating si Eric Sandrin) at Moon Tae Young (dating si Greg Stevenson) na kap­wa humahawak ng duel ci­tizenship papers.

Sa ilalim ng binagong FIBA statutes, sina Lee at Moon ay ikinukunsiderang mga naturalized players ka­gaya nina Chris Ellis, Cliff Hodge at mga bagong Fil-foreign players.

Ibabandera ng Koreans sinuman kina Lee o Moon bi­lang kanilang natura­lized player sa darating na Manila Asian meet na nag­sisilbing regional elimina­tion para sa 2014 FIBA World Cup.

Tiningnan ng South Ko­rea ang ilang Korean-Ame­ricans bago namili kina Lee at Moon.

Umiskor si Lee ng 13 mar­kers sa kanilang six-point win laban sa Americans na pinamunuan ng 16 points ni Haywood O­wens ka­sunod ang tig-14 nina Curtis Marshall at Ed Horton.

Nagbida si Lee sa pag­ta­tayo ng South Korea sa isang 13-point lead sa third quarter bago tuluyang igu­po ang US team.

Tinalo naman ng Iran ang Taipei B, 77-64, habang giniba ng Egypt ang Ja­pan, 64-59, at pinadapa ng Lebanon ang Taipei A, 83-63.

Show comments