MANILA, Philippines - Sasabak ang Gilas Pilipinas sa isang 10-game training sa New Zealand para sa kanilang huling paghahanda para sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.
Inaasahan ni coach Chot Reyes na maÂkukuha ng koponan ang pamatay na porma bago ang Asian meet na nakaÂtakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.
Lalabanan ng Gilas ang Hawkes Bay Hawks sa Biyernes at Sabado bago Âharapin ang NBL All Stars sa Linggo.
Sa Hulyo 16 ay makakatapat ng NaÂtionals ang Wellington Saints kasunod ang Auckland Rangers sa Hulyo 17 at ang Tall Blacks (New Zealand national team) sa Hulyo 18.
Ang bonus sa kanilang six-game seÂries ay ang isang five-day clinic sa ilalim ni coach Tab Baldwin, gumiya sa New Zealand sa semifinal finish sa 2002 world championship, tumulong sa Lebanon sa paghahari sa 2010 FIBA Asia Stankovic Cup at binanderahan ang Jordan sa seÂcond-place finish sa 2011 FIBA Asia ChamÂpionship sa Wuhan, China.
Ihahayag ni Reyes sa ikatlong araw ng kanilang New Zealand training ang mga pangalan ng Final 12 na sasabak sa FIBA-Asia Men’s Championships na siÂyang qualifying event para sa FIBA World Cup sa Spain sa 2014.
Ang 13 training pool members na magÂtutungo sa New Zealand ang sinasaÂbing pagmumulan ng Final 12 ni Reyes.
Ang 13 ay sina Marcus Douthit, Junmar Fajardo, Japeth Aguilar, Beau Belga, RaÂnidel de Ocampo, Marc Pingris, guards JayÂson Castro, LA Tenorio, Jimmy Alapag, GaÂry David, Larry Fonacier, Jeff Chan at Gabe Norwood.
Ang naturang grupo ang sumailalim sa isang training camp sa Lithuania.
Sina Douthit, De Ocampo, Tenorio, DaÂvid, Fonacier, Chan at Norwood ay nagÂÂsasanay na sa Gilas noon pang naÂkaraang taon.