^

PSN Palaro

Gilas magtutungo sa New Zealand

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasabak ang Gilas Pilipinas sa isang 10-game training sa New Zealand para sa kanilang huling paghahanda para sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.

Inaasahan ni coach Chot Reyes na ma­kukuha ng koponan ang pamatay na porma bago ang Asian meet na naka­takda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

Lalabanan ng Gilas ang Hawkes Bay Hawks sa Biyernes at Sabado bago ­harapin ang NBL All Stars sa Linggo.

Sa Hulyo 16 ay makakatapat ng Na­tionals ang Wellington Saints kasunod ang Auckland Rangers sa Hulyo 17 at ang Tall Blacks (New Zealand national team) sa Hulyo 18.

Ang bonus sa kanilang six-game se­ries ay ang isang five-day clinic sa ilalim ni coach Tab Baldwin, gumiya sa New Zealand sa semifinal finish sa 2002 world championship, tumulong sa Lebanon sa paghahari sa 2010 FIBA Asia Stankovic Cup at binanderahan ang Jordan sa se­cond-place finish sa 2011 FIBA Asia Cham­pionship sa Wuhan, China.

Ihahayag ni Reyes sa ikatlong araw ng kanilang New Zealand training ang mga pangalan ng Final 12 na sasabak sa FIBA-Asia Men’s Championships na si­yang qualifying event para sa FIBA World Cup sa Spain sa 2014.

Ang 13 training pool members na mag­tutungo sa New Zealand ang sinasa­bing pagmumulan ng Final 12 ni Reyes.

Ang 13 ay sina Marcus Douthit, Junmar Fajardo, Japeth Aguilar, Beau Belga, Ra­nidel de Ocampo, Marc Pingris, guards Jay­son Castro, LA Tenorio, Jimmy Alapag, Ga­ry David, Larry Fonacier, Jeff Chan at Gabe Norwood.

Ang naturang grupo ang sumailalim sa isang training camp sa Lithuania.

Sina Douthit, De Ocampo, Tenorio, Da­vid, Fonacier, Chan at Norwood ay nag­­sasanay na sa Gilas noon pang na­karaang taon.

 

ALL STARS

ASIA CHAM

ASIA MEN

ASIA STANKOVIC CUP

AUCKLAND RANGERS

BEAU BELGA

CHOT REYES

NEW ZEALAND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with