LONDON--Inangkin ni 15th-seeded Marion Bartoli ng France ang kanyang unang Grand Slam title nang kunin ang Wimbledon crown mula sa kanyang 6-1, 6-4 panalo kay 23rd-seeded Sabine Lisicki ng Germany.
“It’s always been a part of my personality to be diffeÂrent. I think being just like the other one is kind of boring. I really embrace the fact of being a bit different and doing something that not everyone is,†sabi ng 28-anyos na si Bartoli, naglalaro ng tennis sa kanyang kanang kamay at pumipirma ng autograph sa kaliwang kamay.
Ito ang pang-47th Grand Slam tournament ni Bartoli bago niya makuha ang una niyang titulo.
Siya ang tanging woman netter sa 45-year Open era na nanalo ng Wimbledon gamit ang isang two-fisted shots kagaya ni Monica Seles.
Halos isang taon at kalahati na bago nakapanalo ng isang torneo si Bartoli.
Palagi siyang napapatalsik sa quarterfinals ng mga torneong kanyang sinalihan.
Pitong sunod na panalo ang itinala ni Bartoli para angkinin ang Wimbledon.
Noong 2007, limang laro lamang ang naipanalo ni Bartoli sa kanyang two-set loss kay Venus Williams sa Wimbledon final.
“I know how it feels, Sabine,†sabi ni Bartoli sa on-court trophy ceremony.