Inangkin ang buwenamanong panalo Cignal, PLDT MyDSL nanalasa agad
MANILA, Philippines - Nagpakilala agad ang Cignal HD nang kunin ang 25-22, 25-17, 25-23, straight sets panalo sa Petron sa pagbubukas ng Philippine Super Liga women’s volleyball invitational kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sina dating UST star Venus Bernal at Perpetual Help ace Honey Rose Tubino ang umiskor sa mga pag-atake para pamunuan ang Cignal sa paghawak sa liderato sa anim na koponang liga.
May 17 puntos si Bernal, tampok ang 14 kills, habang si Tubino na kasapi ng Lady Altas nang manalo sa NCAA women’s volleyball ay mayroong 11 hits.
May 12 puntos pa ang dating South Western University star Danika Gendrauli upang makitaan ng balanseng pag-atake ang tropa ni coach Sammy AcayÂlar.
“Hindi ko inaasahan na ganito kaganda ang paÂnimula ng team dahil daÂlawang araw lamang kami nakapag-ensayo,†pahayag ni Acaylar na siya ring mentor ng Perpetual Help.
Sumalo sa maagang liderato ang PLDT MyDSL nang manalo sa PCSO Bingo Milyonaryo, 22-25, 25-18, 25-22, 25-20, sa ikaÂlawang laro.
Si Aiza Maizo-Pontillas ay mayroong 11 puntos pero wala ng iba pang manlalaro ng Petron ang nasa double-digits para malaglag sa 0-1 karta.
Sa first set lamang lumamang ang Petron bago nagsimulang umiskor sa net game sina Vernal at iba pang kakampi at ang 18-20 iskor ay naging 25-22 panalo.
Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang Cignal sa mga sumunod na sets para sa unang dominanteng panalo sa liga na sinaksihan ng halos 7,000 manonood.
- Latest