Asi, Yeba Dance Workout sa Sports Pilipinas

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, tuklasin ang kakaibang dance workout na nauuso ngayon gayon din ang isang espes­yal na panayam kay Asi Taulava at Arvin Drueco sa sports-oriented program na Sports Pilipinas.

 Bukod sa Zumba, may isang bagong dance workout na nauuso ngayon. Ito ang Yeba Dance, ang dancing workout na mayroon daw “Filipino Flavor” dahil may kasama itong history lesson.

 Tinagurian ‘The Rock’ ng Philippine Basketball si Asi Taulava. At sa edad na 40-anyos, walang tigil pa din ang bangis ni Asi on and off the court. Nakilala naman bilang car formula racer si Arvin Drueco.  Sa isang mabilis na mundo nabuhay si Arvin. Pero noong 2003 may karamdaman na nagpabagal sa takbo ng kanyang buhay - natuklasan na meron pala siyang brain tumor. Alamin ang bagong karera ni Arvin sa kanyang buhay.

 Samahan ang mga sports correspondents na sina Chino Trinidad at Isabel Oli sa Sports Pilipinas ngayong Linggo ng umaga, 11.15 am pagkatpos ng News TV All Sports sa GMA News TV.

Show comments