MANILA, Philippines - Pansariling interes lamang ang iniisip ng pamuÂnuan ng UAAP matapos umatras sa pagpapadala ng manlalaro sa 27th Summer Universiade na magsiÂsimula na sa Sabado sa Kazan, Russia.
Ito ang akusasyong biÂnitiwan ni Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) president David Ong sa UAAP na hindi rin umano nagpasabi sa FESSAP kung bakit nila iniurong ang mga manlalarong unang kasama sa delegasyon.
“Unpatriotic move ito dahil pinagkaitan nila ng pagkakataon ang mga baÂtang manlalaro ng UAAP na maranasan ang ganitong kalaking kompetisyon. Once in a lifetime lamang ito mangyayari sa kanila dahil ang mga atletang dapat na kasama ay hindi rin tiyak kung makakapagÂlaro pa sa ibang international competition tulad ng Olympics na kasinglaki ng Universiade,†wika ni Ong.
Sa kalatas noong Hunyo 7 na ipinalabas ni UAAP secretary-treasurer Ma. Luisa G. Isip ng host AdamÂson, pinagbawalan ng liga ang mga manlalarong dapat ay kasama sa kompetisyon at ang mga susuway ay mapapaÂtawan ng isang taong suspensyon.
Hindi naman tumutugon si Isip para sagutin ang paratang na unpatriotic ni Ong.
Noong 2011 na kung saan ang FESSAP ang kinilala ng international body FISU na kanilang miyembro sa Pilipinas, ang UAAP ay nagpadala ng kanilang mga atleta at si Samuel Morrison ng FEU ang nanalo ng pilak sa taekwondo na siya ring nag-iisang medalya ng delegasyon.
Wala man ang mga manÂlalaro ng UAAP, may kumpiyansa si Ong sa kakayahan ng delegasyon na kuminang uli sa Russia lalo pa’t ang pinakamahusay na chess player ng bansa na si GM Wesley So ay kaÂsama sa delegasyon.