AMMAN, Jordan--Pinatunayan ni Rogen Ladon na tama ang pagkakapili sa kanya para ipanlaban sa light flyweight division sa Asian Elite Men’s Championships nang manalo sa unang laban dito.
Nahuli agad ni Ladon ang pasugod na istilo ni Naser Hasan ng Iraq para makuha ang unanimous decision sa 29-28, 29-28 at 30-27 iskor.
Ang 19-anyos na si Ladon ay napasama sa limang Pambansang boksingero na ipinadala ng ABAP matapos ang injury ni London Olympian Mark Anthony Barriga.
Mga mabibilis na kumbiÂnasyon at pagkilos ang siÂyang mabisang sandata ni Ladon para makasama ni 2010 Asian Games gold medalist Rey Saludar na palaban pa sa kompetisyon.
Si Saludar ay nakapagposte na ng dalawang paÂzÂnalo at sasalang sa Biyernes laban kay Tanes Ongjunta ng Thailand sa quarterfinals ng flyweight division.
Sunod na katunggali ni Ladon si Temerlas Zhussupov ng Kazakhstan sa Sabado.
Samantala, bubuksan nina lightweight Junel Cantancio at bantamweight Mario Fernandez ang kampanya sa kompetisyon na nilahukan ng 27 Asian countries.
Noong Huwebes ng gabi sila sumampa ng ring at kalaban ni Cantancio si Ardee Sailom ng Thailand at si Fernandez ay makakasukatan si Kairat Yeraliyev ng Kazakhstan.