MANILA, Philippines - Winalis ng Iloilo ProÂvince ang best-of-five series nila ng Indonesia para makuha ang karapatang maglaro sa Little League Softball World Series.
Umani ng 10-0 panalo ang Iloilo upang isama sa naunang kinuhang 23-0 at 10-6 tagumpay at paghaÂrian ang Asia Pacific And Middle East tournament sa Clark Parade Grounds sa Clark Freeport Zone.
Ito ang ikalawang taon lamang ng Iloilo sa kanilang Little League program upang matuwa si manager Rey Fuentes sa makasayÂsayang pagtatapos ng inilaban na koponan.
Isang hit lamang ang ibinigay ni Royeve Palma buÂkod sa anim na strikeouts para pangunahan ang home team.
Namuro naman ang Big League World champion na Manila South na makabalik sa World Series nang itala ang 33-1 panalo sa Indonesia para sa ikalawang sunod na panalo sa tatlong bansa, double-round robin tournament para sa 16-18 age division.
Kailangan na lamang ng koponan na manalo uli sa Indonesia at Guam sa Biyernes at Sabado para bumalik ng World Series.
Isa pang koponan muÂla Iloilo Province (Junior League Softball) at Sta. Cruz, Laguna (Senior League Softball) ay lumapit din sa tig-dalawang panalo para umabante sa World Series matapos ang 30-3 at 18-3 panalo sa Indonesia.