LONDON--Tinalo ni 23rd-seeded Sabine Lisicki si 46th-ranked Kaia Kanepi, 6-3, 6-3, sa loob ng 65 minuto para umabante sa kanyang ikalawang career sa Wimbledon semifinals.
“I was ready today,†sabi ni Lisicki. “I knew from the past, out of experience, that I needed to make the switch quickly to be ready, and that’s what I did.â€
Nanggaling si Lisicki sa panalo laban sa nagdedepensang si Serena Williams sa quarterfinals.
Maglalaro ang 23-anyos na German sa kanyang ikalawang Wimbledon semifinals sa loob ng tatlong taon.
Susunod niyang lalabanan si No. 4 Agnieszka Radwanska, giniba si No. 6 Li Na ng China, 7-6 (5), 4-6, 6-2.
Ang iba pang maglalaban sa semis ay sina No. 15 MaÂrion Bartoli ng France at No. 20 Kirsten Flipkens ng Belgium.
Tinalo ni Flipkens si eighth-seeded Petra Kvitova, 4-6, 6-3, 6-4, para patalsikin ang pinakahuling Grand Slam tournament winner.
Sinibak naman ni Bartoli ang pinakahuling American singles player na si Sloane Stephens, 6-4, 7-5.
Natalo si Bartoli kay Venus Williams sa finals ng Wimbledon noong 2007.