AMMAN, Jordan--Binawian ni flyweight Rey Saludar si Ilyas Suleimenov ng KazakhsÂtan para sa ikalawang sunod na panalo sa 27th Asian Elite Men’s Championships dito.
Ang 2010 Asian Games gold medalist na si Saludar ay nanaig sa 22-anyos na si Suleimenov sa mga palitan para makuha ang 29-28 panalo sa dalawang hurado. Ang isa sa tatlong hurado na bibilang para madetermina kung sino ang nanalo sa laban ay nagbigay ng 29-28 panalo sa home town bet.
Matamis na panalo ito sa 25-anyos na si Saludar dahil bukod sa ikalawang sunod niya ito sa torneo, naipaghiganti rin niya ang pagkatalo sa semifinals sa nasabing boksingero noong 2011 edisyon sa Incheon, Korea.
Sunod na kakaharapin ni Saludar si Tanes Ongjunta ng Thailand na mangyayari sa Biyernes.
Tinalo ni Ongjunta si Samer Humaidi ng Saudi Arabia sa huli niyang laban.
Si Rogen Ladon na edad 20 at pambato sa lightflyweight, ay napalaban noong Miyerkules kontra kay Hasan Naser ng Iraq.
Sina Pat Gaspi, Ronald Chavez at Roel Velasco ang mga tumatayong coaches, si Ed Picson ang delegation head at si Karina Picson ang AIBA International Technical Official sa Pambansang delegasyon.