Pananalasa ni Serena tinapos ng German netter
LONDON--Sa 34 matÂches sa higit sa 4 1/2 buwan sa hard, clay o grass courts, hindi pa natatalo si Serena Williams na itinala ang pinakamahabang winning streak sa women’s tennis sapul noong 2000.
Ngunit ito ay nagtapos sa Wimbledon.
Natalo ang No. 1-ranked at No. 1-seeded na si Williams kay 23rd-seeded Sabine Lisicki ng Germany, 6-2, 1-6, 6-4, sa fourth round.
“Didn’t play the big points good enough,’’ wika ni Williams, naipanalo ang tatlo sa huling apat na Grand Slam titles kasama ang Wimbledon at ang French Open. “I didn’t do what I do best.’’
Ginamit ni Lisicki ang kanyang malalaking serve, malalakas na returns at matutulis na groundstrokes para talunin si Williams.
Si Lisicki ay may maÂlamÂyang 16-15 record sa tatlong Grand Slam tournaments at may 17-4 baraha sa All England Club. Nakapasok siya sa semifinals ng Wimbledon noong 2011, at nasa kanyang ikaapat na quarterfinals.
“Good omen,’’ ani LiÂsicki. ‘’Obviously, I went into the match feeling that I could win.’’
Bukod kay Williams, ang iba pang mga bigaÂting players na nasibak sa Wimbledon ay sina Roger Federer, Rafael Nadal, VicÂtoria Azarenka at Maria Sharapova.
Susunod na makakatapat ni Lisicki si 46th-ranked Kaia Kanepi ng Estonia.
- Latest