Kinabukasan ng Ginebra

Chris Ellis para kay Paul Asi Taulava?

Ayon sa mga reports, iyan ang proposal ng Meralco Bolts sa Barangay Ginebra San Miguel.

Kasi nga, buhat nang matapos ang ASEAN Basketball League kung saan tinulungan ni Taulava na mag­kampeon ang San Miguel Beermen at nagwagi pa siya bilang Most Valuable Player ay kumalat na kaagad ang balitang iaangat siya sa kampo ng Gin Kings.

Pero hindi nga pwedeng basta-basta mapunta si Ta­ulava sa Barangay Ginebra dahil sa hawak ng Meralco ang rights sa kanya.

Hindi nga ba’t noong nakaraang season ay sa Me­ralco naglaro si Taulava. Hindi nga lang siya pumirma ng extension ng mapaso ang kanyang kontrata. Lumipat siya ng koponan at liga.

So, nawalan ng isang manlalaro ang Meralco sa umpisa ng season na ito. Walang kapalit na nakuha ang Bolts.

At hindi nga basta-basta ang nawala sa Bolts. Isang dominanteng sentro si Taulava. Very visible na ito ang kakulangan ng Bolts sa nakaraang Philippine Cup at Commissioner’s Cup. Kulang sila sa rebounders.

Ewan lang natin kung malaki ang maitutulong sa kanila ni Don Carlos Allado na kamakailan ay nakuha nila sa Barako Bull kapalit ni Ronjay Buenafe. Hindi na rin naman bata si  Allado.

Kaya naman big man pa rin ang hinahanap ni coach Paul Ryan Gregorio.

Big man ba si Ellis?

Hindi eh.

Kaya lang marahil gusto ng Meralco na kunin si Ellis ay upang mabuo ulit ang kumbinasyon nila ni Cliff Hodge.

Magkakampi kasi sina Ellis at Hodge sa NLEX Road Warriors sa PBA D-League at natulungan nila ang koponang ito na ma­ging dominante sa unang tatlong torneo.

Pero sa totoo lang, hin­di naman sina Ellis at Hod­ge ang responsable sa dominasyong iyon, e. Nan­doon din naman sa NLEX sina Calvin Abueva at Ian Sangalang na siyang kumukuha ng rebounds. Sina Abueva at Sangalang ang tunay na rebounding demons. Hindi sina Ellis at Hodge.

So, kung sakali bang pumayag ang Ginebra na ipamigay si Ellis kapalit ni Taulava ay maso-solve ang problema ng Meralco?

Hindi.

Puprublemahin pa rin ng Bolts ang rebounds?

Pero hindi na nga pu­mayag ang Gin Kings, e. Kasi, bata si Ellis at matanda na si Taulava. Maging MVP  man sa PBA at  ABL si Taulava, hindi na rin naman mahaba ang natitira niyang playing years.

Sa kabilang dako ay mahaba pa ang playing years ni Ellis. Rookie pa lang siya, e. Malayo pa ang puwede niyang marating.

Ang tanong lang diyan ay kung magiging dominante rin si Ellis na tulad ng ibang dominanteng PBA players sa kasalukuyan? Will he really make a big difference bilang isang Barangay Ginerba player?

Sugal din para sa Gin Kings ang hindi pagpa­yag sa nais na trade ng Meralco.

Hindi naman kasi ka­agad makikita kung ano ang talagang puwedeng gawin ni Ellis.

Sa ngayon, ang tanging markang nagawa niya ay ang magwagi bilang Slam Dunk King sa nakaraang All-Star Weekend.

Show comments