Metro Turf nakakuha ng malaking suporta

Isang malaking kara­ngalan sa bansa ang pagkakapanalo kamakailan ng MetroTurf Lighting Pro­ject sa 2013 GE Edison Award Asia Preliminaries na ginanap sa Guangzhou, China.

Ang proyekto ng Shang­hai-based lighting designer at application engineer na si Li Lim ang nagdisensyo ng makabagong lighting system sa karerahan ng Metro Manila Turf Club, ang pinakabagong karerahan sa bansa na ma­tatagpuan sa Malvar, Ba­tangas.

May 46 na state-of-the-art lighting posts ang nakakalat sa loob ng MetroTurf na idinisenyo  ng Shanghai-based lighting designer at application engineer na si  Lim para matiyak ang ma­tinding liwanag sa oras ng karera lalo na sa gabi kung kailan matindi ang panga­ngailangan para makita ng husto ang aksyon sa racetrack.

Dahil sa panalong yun, uusad ang naturang pro­ject sa international arena bilang kalahok sa Global 2013 Edison Award competition.

Samantala, patuloy pa rin ang masigabong pagtangkilik ng mga major pla­yers ng industriya ng karera sa bansa pati na ng mga racing fans mula sa Maynila at Calabarzon area sa MetroTurf, na ngayo’y isa nang certified “fun-destination” sa bansa.

“Natutuwa kami sa dami ng mga nagsisipunta sa karerahan mula sa Maynila at mga kalapit-bayan ng Batangas. Nagpapasa­lamat din kami sa suportang nakukuha namin sa paglaki ng benta sa takil­ya mula nang magbukas ang MetroTurf nito lang Pebrero,” ani MetroTurf senior vice president Rudy Prado.

Malaki ang naibibigay sa pamahalaan ng pagkakaroon ng isang MetroTurf dahil mula nang ito ay magsimula ng racing operation mahigit P117-million na ang tax na nakokolekta dito.

Show comments