^

PSN Palaro

Brooklyn may magandang hinaharap kina KG, Pierce

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Sa Hulyo 10 pa magiging opisyal ang paglalaro nina Kevin Garnett at Paul Pierce sa Brooklyn Nets, ngunit hindi na makapaghintay ang mga fans ng koponan.

Nang mahugot ng Nets sina Garnett at Pierce mula sa Boston Celtics ay nakakuha sila ng bagong attitude, shooting at athleticism.

Sa kanilang maiden season, nagtala ang Brooklyn ng 49 panalo at nakapasok sa playoffs sa likod nina Deron Williams, Joe Johnson at Brook Lopez.

Subalit hindi sila umabot sa second round.

Sa tulong nina Garnett at Pierce, inangkin ng Celtics ang limang sunod na Atlantic Division titles, nakarating sa dalawang finals appearances at sumikwat sa 2008 championship.

Sa kabila ng pagiging 37-anyos ni Garnett at pagiging 36-anyos ni Pierce, pinalakas pa rin nila ang Nets’ lineup.

Si Pierce ay epektibo pang scorer mula sa kanyang mga averages na 18.6 points at 4.8 assists per game sa nakaraang season.

Si Garnett ang isa sa pinakamahusay na jump-shooting big men bukod pa sa kanyang pagiging solidong post scorer.

 

ATLANTIC DIVISION

BOSTON CELTICS

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

DERON WILLIAMS

JOE JOHNSON

KEVIN GARNETT

PAUL PIERCE

SA HULYO

SI GARNETT

SI PIERCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with