^

PSN Palaro

Cuello nadisgrasya sa Chinese boxer

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbayad ni WBC World strawweight champion Xiong Zhao Zhong  ang pagmamaliit sa kanyang kakayahan ni Filipino challenger Denver Cuello nang kunin ang majority decision na panalo na ginanap kahapon sa World Trade Centre, Dubai, United Arab Emirates.

Naging bangungot ang inakalang  madaling laban ni Cuello nang ibinigay ng mga huradong sina Roman Filimonov at Serqio Izonzo ang 115-112 at 113-110 panalo para sa Chinese champion. Ang ikatlong hurado na si John Keane ay nagsabing tabla ang laban sa 113-113.

Ito ang ikalimang pagka­talo sa 44 laban ni Cuello na  pinatumba sa first round si Zhong gamit ang matinding kaliwa.

Pero hindi nagawang tapusin ng 26-anyos na si Cuello ang kalaban at naka­rekober si Zhong sa mga sumunod na rounds.

Minalas pa si Cuello na nabalian ng kanang balikat para tapusin ang 12-round bout gamit lamang ang isang kamay.

Naputukan din sa ulo  si Cuello dala ng accidental head butt para  maapektuhan ang kanyang paningin na kinapitalisa rin ni Zhong.

Hindi naman makapaniwala ang manager ni Cuello na si Aljoe Jaro sa kinalabasan ng labanan.

“I don’t know what happened  there. Denver clearly deserved to win so we are really disappointed. Hopefully we will get another chance,” wika ni Jaro.

Bago ang labanang ito, si Cuello ay mayroong 12 sunod na panalo kasama ang second round knockout kay Ganigan Lopez ng Mexico noong Mayo 19, 2012 para kunin ang WBC Silver minimumweight title.

Ito ang ika-21 panalo sa 25 laban ng 30-anyos na si Zhong at matagumpay ang kanyang unang pagdepensa sa titulong pinanalunan laban kay Mexican Javier Martinez Resindiz noong Nobyembre 24, 2012 na ginawa sa Kunming City, China.

 

ALJOE JARO

CUELLO

DENVER CUELLO

GANIGAN LOPEZ

JOHN KEANE

KUNMING CITY

MEXICAN JAVIER MARTINEZ RESINDIZ

ZHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with