Federer, Sharapova talsik na

LONDON--Sinibak ni 116th ranked Sergiy Stakhovsky si defending champion Roger Federer, ang seven-time Wimbledon champion at 17-time Grand Slam champion, mula sa kanyang 6-7 (5), 7-6 (5), 7-5, 7-6 (5) panalo sa se­cond round ng Wimbledon.

Ito ang pinakamaagang pagkawala ni Federer sa Grand Slam sa loob ng isang dekada.

Ang huli ay sa first round ng French Open no­ong Mayo 26, 2003.

Napatalsik din sina Maria Sharapova, ang 2004 Wimbledon champion na isinuko ang 3-6, 4-6 kabiguan kay 131st-ranked Michelle Larcher de Brito ng Portugal

Pitong players naman ang hindi na nagpatuloy ng kanilang mga laro dahil sa injury.

Ilan sa mga ito ay sina second-seeded Victoria Azarenka; sixth-seeded Jo-Wilfried Tsonga; 18th-seeded John Isner at Steve Darcis, sumibak kay 12-time major champion Rafael Nadal noong Lunes.

Show comments