MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon si Ryan Gregorio, miyembro ng coaching staff ng Gilas Pilipinas II, na mapag-aralan ang istilo ng Japanese national team.
Nakatakdang magtuÂngo ang Meralco ni Gregorio sa Japan para sa isang three-game exhibition series laban sa Japanese National team na gagawin sa Sendai at Tokyo.
Inaasahang pag-aaralan din ni Gregorio ang Japanese national team na magiging isa sa mga kalaban ng Nationals sa second round ng FIBA Asia Championship.
Dapat ay maglalaro ang Gilas II sa Japanese series. ngunit binago ng Gilas officials ang kanilang iskedyul matapos ang naÂging resulta ng FIBA Asia draw.
Dahil dito, papupuntahin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Bolts kasama sina Gilas cadet players Garvo Lanete, KeÂvin Alas at Ronald Pascual.
Magiging reinforcement rin ng Meralco si import Chris Blake na gustong maglaro sa PBA Governors Cup na nakatakda sa Agosto14.