MANILA, Philippines - Tutulong uli ang STI Educational Services Group, Inc. sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagbibigay ng maÂgandang kinabukasan sa Pambansang atleta.
Naglagdaan kahapon sa PSC Conference room sina STI President at CEO Monico V. Jacob at PSC chairman Ricardo Garcia ng Memorandum of Agreement para sa scholarship grant ng paaralan na nagÂkakahalaga ng P10 milÂyon.
Ang tambalan ay magtatagal hanggang Hunyo 30, 2017 at handa ang STI na magdagdag pa ng scholarships kung sakaling maubos ito bago matapos ang kanilang kontrata.
Makikinabang din ang mga nagtatrabaho sa PSC dahil 20% discount ang ibibigay ng STI sa mga kaÂanak nito.
Kapalit nito ay ang pagÂsama sa STI sa mga media releases sa mga prograÂmang papasukin ng PSC.
Noong 2004 sa kapanahunan ni dating chairman Eric Buhain nakiÂpag-tie-up na ang STI sa Komisyon na nagtagal sa loob ng apat na taon at nagkahalaga ng P8 milyon.
Bumalik sila sa pakikipagtambal sa PSC dahil inaalala nila ang kinabukasan ng mga manlalaÂrong sinasandalan para magbigay ng karangalan sa bansa sa mga kompetisÂyong nilalahukan sa labas ng bansa.
Pinasalamatan naman ni Garcia ang pagpasok ng STI kasabay ng paghahayag na sila na ang official IT partner ng Komisyon sa lahat ng programa na gagawin sa buong bansa.
Si PSC commissioners Akiko Thompson-Guevarra at Wigberto Clavecilla Jr. na siya ring corporate marketing ng ahensya ang nakasama ni Garcia sa signing habang sina EVP at COO Peter K. Fernandez, VP for Communication Elbert L. De Guzman at Eents Manager Mhel Garrido ang nakatuwang ni Jacob.