^

PSN Palaro

STI nagpondo ng P10M scholarship para sa mga atleta

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutulong uli ang STI Educational Services Group, Inc. sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagbibigay ng ma­gandang kinabukasan sa Pambansang atleta.

Naglagdaan kahapon sa PSC Conference room sina STI President at CEO Monico V. Jacob at PSC chairman Ricardo Garcia ng Memorandum of Agreement para sa scholarship grant ng paaralan na nag­kakahalaga ng P10 mil­yon.

Ang tambalan ay magtatagal hanggang Hunyo 30, 2017 at handa ang STI na magdagdag pa ng scholarships kung sakaling maubos ito bago matapos ang kanilang kontrata.

Makikinabang din ang mga nagtatrabaho sa PSC dahil 20% discount ang ibibigay ng STI sa mga ka­anak nito.

Kapalit nito ay ang pag­sama sa STI sa mga media releases sa mga progra­mang papasukin ng PSC.

Noong 2004 sa kapanahunan ni dating chairman Eric Buhain naki­pag-tie-up na ang STI sa Komisyon na nagtagal sa loob ng apat na taon at  nagkahalaga ng P8 milyon.

Bumalik sila sa pakikipagtambal sa PSC dahil inaalala nila ang kinabukasan ng mga manlala­rong sinasandalan para magbigay ng karangalan sa bansa sa mga kompetis­yong nilalahukan sa labas ng bansa.

Pinasalamatan naman ni Garcia ang pagpasok ng STI kasabay ng paghahayag na sila na ang official IT partner ng Komisyon sa lahat ng programa na gagawin sa buong bansa.

Si PSC commissioners Akiko Thompson-Guevarra at Wigberto Clavecilla Jr. na siya ring corporate marketing ng ahensya ang nakasama ni Garcia sa signing habang sina EVP at COO Peter K. Fernandez, VP for Communication Elbert L. De Guzman at Eents Manager Mhel Garrido ang nakatuwang ni Jacob.

vuukle comment

AKIKO THOMPSON-GUEVARRA

COMMUNICATION ELBERT L

DE GUZMAN

EDUCATIONAL SERVICES GROUP

EENTS MANAGER MHEL GARRIDO

ERIC BUHAIN

GARCIA

KOMISYON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with