MIAMI--Ang pinakahuÂling piraso ng confetti, nahulog at opisyal na nagwakas ang Miami Heat championship celebration at nagsimula nang maglabasan ang mga fans.
Nanatili naman sa stage ang mga players at coaches.
Hindi sila nagmamadaÂling umalis.
Nakatayo ang mga NBA champions at nanoÂod sa higanteng video board play na nagtampok sa kampanya ng Heat patungo sa playoffs, mula sa MVP-caliber plays ni LeBron James hanggang sa season-saving three-pointer ni Ray Allen sa Game 6 ng NBA Finals.
“It’s a special group,’’ sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “You know what? This season started over nine months ago with that trip to China and we were able to experience so many cool things together in the regular season. But at times, it just seems to be going by so fast.’’
Ito marahil ang dahilan kung bakit ayaw pang huminto sa pagdiriwang ang Miami team sa humigit-kumulang sa 400,000 tao na luminya sa kalsada ng Miami, idinaos ng Heat ang kanilang parada kasunod ang kanilang in-arena rally.
Tumayo si James sa isang double-decker bus na may nakasubong sigarilyo sa kanyang bibig para sa parada.
Nagparating ng kanyang halik si Shane Battier sa mga tao, habang itinaas naman ni Dwyane Wade ang kanyang tatlong daliri at kumilos na parang ibon si Chris Andersen para sa kanyang taguring “Birdman’’ moniker.
“It’s the ultimate,’’ sabi ni James sa Sun Sports, ang Heat broadcast partner. “It’s the ultimate. This is what I came down here, to be able to have a parade at the end of the year. I’m extremely blessed, man. It doesn’t get any better than this.’’