MANILA, Philippines - Kung sasang-ayunan ng NBA, ang Boston CelÂtics head coach na si Doc RiÂvers ay lilipat sa L.A. Clippers sa papasok sa season.
Ipinagpapalit ng Celtics si Rivers, may tatlong taon pang kontrata sa Boston na nagkakahalaga ng $21 milyon, para sa isang first-round draft pick sa 2015.
Nauna nang sinubok ng Celtics na i-trade si Rivers kasama ni Kevin Garnett para sa Clippers kapalit nina DeAndre Jordan, pointguard Eric Bledsoe at isang draft pick pero hindi pinahintulutan ito ni NBA Commissioner David Stern dahil hindi puwedeng ipagpalit ang isang coach sa isang aktibong manlalaro ng liga.
Rebuilding ang Celtics sa off-season at kasama sa pinakawalan ang beÂteÂrano ng koponan na si Paul Pierce.
Ang 36-anyos na si Pierce ay may $15.3 milyon kontrata pa sa papasok na season pero puwedeng bilhin ang kanyang kontrata sa $5 milyon.
Si Rivers ang ikalawang pinakamatagal na coach sa isang NBA team kasunod ni Gregg Popovich ng San Antonio at nagtala siya ng 416-305 win-loss record para malagay sa ikatlong puwesto kasunod nina Red Auerbach (795) at Tommy Heinsohn (427).
Taong 2004 nang puÂmaÂsok sa Celtics si RiÂvers at noong 2008 ay naÂnalo ng NBA title sa tulong nina Garnett, Pierce at Ray Allen.
Bumalik sa Finals ang Boston noong 2010 pero natalo sila sa Los Angeles Lakers sa pitong laro.
Matapos nito ay bumaba na ang lebel ng paglaÂlaro ng Celtics at natalo sila sa Miami sa East Conference playoffs noong 2011 at 2012 at sa nagdaang season ay na-eliminate sa first round sa New York Knicks.
Pabor naman kay RiÂvers ang lumipat ng kopoÂnan dahil ayaw niyang maÂkita na magkahiwa-hiÂwalay ang mga manlalarong naÂkasama niya noong naÂmamaÂyagpag ang koponan.