UE Warriors suportado ng Erase Plantcenta

MANILA, Philippines - Isa sa mga tunay na natuwa sa pagkakasungkit ng UE Warriors sa katatapos na Filoil summer basketball tournament title ay ang sportsman na si Louie Gamboa, ang team owner ng Erase Plancenta team ng D-League.

“Naniniwala ako sa potensyal ng UE at sa sistema ni coach Boysie Zamar kaya naman all-out ang suporta ko sa kanila,” sabi ni Gamboa.

Itinuring naman ni Za­mar na ‘lucky charm’ si Gam­boa.

“Mula nang tumulong siya sa amin ay sinuwerte na kami,”  wika ni Zamar sa team owner.

Matatandaang ang Erase Plantcenta ay nagkaroon ng partnership nung sumali sila sa MBL basket­ball tournament kung saan nagtala sila ng walong sunod na panalo.

Naniniwala rin si Gamboa na ang UE Warriors ay isa na ngayon sa top contenders ng darating na UAAP season.

Dahil sa kanilang partnership, malamang na ma­­ging sa darating na D-League ng PBA, ang UE Red Warriors na rin ang magdala ng Erase Plantcenta team.

Si Gamboa ay hindi alumnus ng UE pero naka-suporta siya dahil sa “naniniwala ako sa team na ito, at pangunguna ni coach Zamar, I believe this team will go places.”

Show comments