LONDON--MagsisiÂmula ang laro sa Wimbledon ngayong linggo pero ang mga mata ay hindi laÂmang itutuon sa mga maÂhuhusay na manlaÂlaro na kasali kundi kina Serena Williams at Maria Sharapova.
Ang dalawang tinitiÂngala sa women’s tennis ay nasa sentro ng balita matapos magpalitan ng salita dahil na rin sa naunang komento ni Williams, ang nagdedepensang kamÂpeon at number one ranked sa torneo, kay Sharapova, ang third seed, sa Rolling Stone Magazine.
Pinag-usapan sa panaÂyam ni Stephen Rodrick kay Williams ang “a top-five player who is now in love†at bagamat hindi pinangalanan si Sharapova, isinama ng sumulat ang mga katagang ang 26-anyos na RusÂsian netter ang tinutukoy ng 31-anyos US player dahil may namamagitan kina Sharapova at sa dati niyang boy friend na si Grigor Dimitrov.
“If she wants to be with the guy with a black heart, go for it,†bahagi na binigkas ni Williams sa panayam.
Hindi ito nagustuhan ni Sharapova at nakaganti nang makapanayam sa pre-Wimbledon news conference.
“If she wants to talk about something personal, maybe she should talk about her relationship and her boyfriend that was married and is getting a divorce and has kids,†wika naman ni Sharapova na tinutukoy ay ang napapabalitang kasintahan ni Serena na si Patrick Mouratoglou, na kanya ring coach.
Ito ang ikalawang sunod na kontrobersya na kinasangkutan ni Williams matapos ang isang panaÂyam. Nauna siyang binatikos dahil sa ‘di magandang komento patungkol sa rape case laban sa dalawang high school football player na pinagsamantalahan ang isang nalasing na 16-anyos na babae.
Lumabas sa komento ni Williams na sinisisi niya ang biktima sa pangyayari.
Humingi na ng paumanÂhin si Williams sa lumaÂbas na artikulo sa pamilya ng biktima.
Galing si Williams sa pagkapanalo sa French Open pero kung kaya niyang maisantabi ang kontroÂbersyang kinakaharap para madepensahan ang Wimbledon crown ay isa pang malaking katanuÂngan.