MANILA, Philippines - Aalis ngayon ang PhiÂlippine Rugby team patuÂngong Moscow, Russia para lumahok sa Rugby World Cup Sevens 2013 na gagawin mula Hunyo 28 hanggang 30.
May 12 manlalaro ang pinangalanan para bigyan ng karangalan ang bansa at mangunguna sa Volcanoes sina Michael Letts at Matthew Abalos Saunders na itinalaga bilang mga team captains.
Ang iba pang kasama sa koponan ay ang television personality na si Andrew Wolff, Ryan Briones Clarke, Oliver Abalos Saunders, Gareth dela Rosa Holgate, Jake Robrigado Letts, Joseph Bembo Matthews, Justin Villazor Coveney, Kenneth Capinpin Stern, Sean Celada Lynch at Patrice Ortiz Olivier.
Si Al Caravelli na daÂting coach ng US team ang tatayong head coach habang si Matthew Cullen ang team manager at si Christopher Bailey ang physiotherapist.
Ito ang unang pagkakaÂtaon na nakasali ang Pilipinas sa nasabing kompeÂtisyon at nangyari ito matapos talunin ang South Korea sa qualifying noong nakaraang taon.
Sa Hunyo 28 gagawin ang tagisan at ang Volcanoes ay nasa Pool C. Unang laro ay laban sa Kenya habang double-header ang Nationals sa Sabado (HunÂyo 29) at unang kalaban ay ang Samoa sa umaga habang sa hapon ay kalaro nila ang Zimbabwe.
May 24 bansa ang kaÂsali sa kompetisyon at hinati sila sa anim na grupo at ang mangunguna sa bawat grupo ay aabante kasama ang best two second placers base sa points differential para paglabanan ang World Cup.
Ang nalalabing apat na second placers ay sasamaÂhan ng apat na mangungunang third placers para paglabanan ang Plate habang ang nalalabing third placers at fourth placers ang magtatagisan para sa Bowl.
Knockout format ang mangyayari para sa World Cup, Plate at Bowl at lalaÂruin ito sa Hunyo 30.