Pressure kay Fernandez
Mahirap na masarap ang mapunta sa puwestong kinalalagyan ni coach Teodorico Fernandez III ngayon.
Si coach Boyet ngayon ang siyang may hawak sa three-time defending champion San Beda Red Lions. Hinalinhan niya si Ronnie Magsanoc na nagsilbi lang bilang coach ng Red Lions sa loob ng isang taon matapos na humalili rin kay Frankie Lim.
Napilitan lang talaga si Magsanoc na hawakan ang team noong nakaraang season. Kumbaga’y kailangan niyang gawin iyon upang suklian ang dati niyang kopoÂnan. Kasi ngay naglaro siya ng high school ball para sa San Beda bago lumipat sa University of the Philippines.
Pero successful siya, ha. Kumbaga’y sinunod lang niya ang kasabihang “quit while you’re on top!â€
At ngayon nga’y napunta kay Fernandez ang pusisÂyon at ang misyon upang ihatid ang Red Lions sa ikaapat na sunod na kampeonato.
Masarap ang puwestong ito kasi malakas ang Red Lions. Sila ang tinaguriang ‘team-to-beat.’ Kasi nga’y paÂngungunahan sila sa ikalawang taon ng foreigner na si Olaide Adeogun na inaasahang magpapahirap at magpapasakit sa ulo ng coahces ng siyam na iba pang coaches sa ligang magsisimula ngayong hapon sa Mall of Asia Arena.
Halos intact ang team at tatlong key players lang ang nawala sa koponan at ito’y sina Jake Pascual, Anjo Caram at Carmelo Lim.
Bukod kay Adeogun, ang mga beteranong maaasahan ni Fernandez ay sina Baser Amer, Arthur Dela Cruz, Rome Adler De La Rosa, Ryusei Koga, John Mark Yvan Ludovice, Jaypee Mendoza at Kyle Pascual. Nagbalik pa sa koponan ang magkapatid na Anthony at David SeÂmerad na hindi naglaro noong nakaraang season.
At siyempre, sagana sa suporta ang koponan buhat kay Manny V. Pangilinan.
Ano pa ba naman ang hahanapin ni Fernandez?
Pero kung gaano kasarap hawakan ang team, aba’y ganoon din kabigat ang pressure sa balikat ni Fernandez.
Una’y hindi siya graduate ng San Beda College tulad nina Magsanoc at Lim. Kaya nga bago siya iniluklok bilang head coach ay mayroon din namang ilang alumni na kahit paano’y umangal pero hanggang doon na lang iyon.
Trabaho lang naman ito para kay Fernandez. At suÂportado nga siya ni Pangilinan so pumayag na rin ang alumni.
Pero papasok sa 89th NCAA season, tila hindi nga ganoon kaganda ang nakita ng ilang observers sa Red Lions. Kasi nga’y hindi naman sila nagkampeon sa mga pre-season tournaments. Tinalo pa sila ng Arellano University Chiefs sa Filoil tournament.
At sa panig ni Fernandez, galing pa siya sa kabiguan sa PBA D-League Foundation Cup kung saan naÂÂbigo ang NLEX na maibulsa ang ikalimang sunod na kampeoÂnato.
Kaya naman sinasabi ng ilan na baka hindi maÂging dominante ang Red Lions at si Fernandez sa 89th NCAA. Baka ubrang talunin sila?
Isang malaking hamon ito para kay Fernandez. Natural na ayaw niyang maputol ang streak ng Red Lions sa ilalim ng kanyang pamamatnubay.
- Latest