Miami fans pinabilib ni Allen

MIAMI--Sa nakaraang mga taon ay hindi nagbago ang ginagawa ni Ray Allen.

Nagpapakita siya sa gym ng mas maaga pa kumpara sa kanyang mga kakampi, tumatapak siya sa court at tumitikada ng isang daan na jump shots.

Maganda naman ang naging resulta nito.

At magbabalik siya sa Huwebes dahil may isang laro pa ang Miami Heat.

Ang 3-pointer ni Allen sa natitirang 5.2 segundo sa fourth quarter ang nagtampok sa ratsada ng Miami na ipinagkait sa San Antonio Spurs na makamit ang NBA championship.

“Ray did what he’s done for so many years,’’ sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “And we’ve seen it on the other side so many times.’’

Ang dalawang free throws ni Allen sa huling 1.9 segundo sa overtime ang siyang sumelyo sa panalo ng Heat.

Ang tangkang tres naman ni Danny Green, bumura sa 3-point Finals record ni Allen, ay sinupalpal ni Chris Bosh.

Show comments